Tuesday, September 26, 2006

Franchising Setting-up a drugstore business


Are you planning to venture into drugstore business? I found some tips and guides on forums that might help you decide. Read on.

"Magandang umaga po sa lahat ng kapwa ko entrepinoy. May konti po akong ibabahagi sa inyo regarding drugstore business para mapag aralan po ninyo ang ganitong uri ng negosyo. Ito po ay mula sa experience namin bilang distributor mula sa aming 200+ na clients (clinics, government, doctors, botika, med reps, etc.) na patuloy na nag titiwala sa amin bilang may-ari ng 3 botika.

Sa ganito pong business ang capital ranging from Php 50k+ depende po sa dami ng merchandise na ibebenta ninyo at kung malaking botika ang i-establish ninyo. Kami po kasi ay me experience na kapag kumikita ka na ng 2k/day (60k/month) sa botika po namin ay ok na yun sa amin. Maliit na botika o drugstore siguro 15 sq.m. lang ang area nya basta maayos ang location.

Sa business na ito, marami po tayong dapat i-consider at ipa-process (normal po yan):

1. Business name at iba pang dokumento - sa DTI po yan. Requirements:


  • business name
  • 2pcs 2x2 colored pics
  • TIN and fee.

2. Mayor's permit - requirements:

  • application form,
  • DTI business name certificate,
  • location,
  • pictures,
  • fee - medyo malaki depende sa municipality, and fire protection

3. TIN, sa BIR po yan - requirements:

  • fee
  • form 1901
  • Mayor's permit

4. SSS R1, mas mabilis po sa main branch - requirements:

  • R1 form
  • DTI business permit
  • Mayor's permit

5. DOLE - requirements:

  • Rule 1020 form
  • layout
  • vicinity map

6. BFAD - requirements:

  • Mayor's notarized petition form
  • list of products
  • at least 15SQM ang required na space
  • reference books e.g. MIMS (libro po yan, meron sa National Bookstore. Free lang yan kapag member ka ng Drugstore Association of the Philippines) o kahit ano na i-require nila sa inyo
  • prescription book (BFAD)
  • generic white label
  • dry seal o logo ninyo
  • Pharmacist Registration Certificate
  • Certificate of business registration with BTNRCP
  • contract of lease
  • pictures ng drugstore with signboard (sure na po ang inyong approval kasi mahirap ng palitan ang signboard - Php10k po yan depende sa klase)
  • location plan at floor plan with dimension

7. Others:

  • Dapat may kakilala kayong accountant (cpa po ha) na siyang magkukwenta ng inyong finances, at mga taxes na babayaran sa BIR. Marami po dyan.
  • Experienced pharmacist - ask nyo na lang po sa kanila kung deal o no deal
  • Sales Clerk minimum of 2 (may experience at isang trainee). Medyo mahirap mag handle ng ng staff, dapat personal na management na po yan. Dapat alam nyo ang business kahit sa pinakamaliit na detalye lalo na ang nasa isip nila para ma-reduce and blindspot sa side ninyo.
  • Rent expenses at insurance lalo na ang building. May maganda, prime location (10k+ advances na talagang mostly non-refundable), may ok lang (10k below), may pwede na (5k below) at may libre kung sa inyo ang lugar. Basta po important factor and location, location, location!
  • Dapat may mga agent kayo na mapagkakatiwalaan na syang mag aasikaso ng business permits, renewals, etc. kung busy kayo. Di kayo lugi dun at worth ang kanilang service.
  • Inventory - nandyan ang buhay.
  • About the feasibility study, kayo na ang bahala, alamin nyo ang community needs ng locations."

Jeff, who posted the above tips in one of the forums, is also a medical distributor of branded and generic drugs from local and international manufacturers like Unilab, Lloyd, etc. You can e-mail him at sweetangel_ni_jeff@yahoo.com for your inquiries.

picture courtesy of www.bohol.ph

4 comments:

jun corpuz said...

Jeff, i think honest ka sa tip mo. Wala akong experience sa drugstore business but I am interested to start a business on this field. Ang sister in law ko ay pharmacist and interested too to start her own business. It will be a joint partner if we will pursue it, me to fund it and her to run it. My capital to start with is at php 100K. I'm not sure if this is good to open a business. Could you tell me more on your gut or experience feeling if I can start it? how long is the ROI on this venture?

Unknown said...

Jeff thanks for the tips.I'm a pharmacist who are planning to put a business in a few months.thanks for the tips.the location of my pharmacy will be in valencia bukidnon.may I know your products you are distributing now?you can reach me at my email ad at marizmarinas@gmail.com.thanks

Unknown said...

Hello Jeff,i'm a pharmacist who want to venture pharmacy business, and I guess your tips will help a lot someday.may I know your products?you can reach me through my email at marizmarinas@gmail.com.thanks

Anonymous said...

hi jeff, i'm a nurse who's planning to have a drugstore business, do i still have to hire a pharmacist? kindly advise, thanks